^

Pang Movies

Ahtisa, naudlot ang pagpupulis

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ahtisa, naudlot ang pagpupulis
Ahtisa Manalo
STAR/File

Tatlong national titles na ang hawak ng beauty queen na si Ahtisa Manalo ng Candelaria, Quezon.

Nung 2018 ay siya ang kinoronahang Bb. Pilipinas–International at naging kinatawan sa Miss International beauty pageant nung kaparehong taon na ginanap sa Tokyo, Japan kung saan siya ang tinanghal na 1st runner-up.

Nung 2024 ay sumali siya sa Miss Universe Philippines kung saan siya naging 2nd runner-up at naging Miss Cosmo Philippines 2024.

Siya ang naging kinatawan ng Pilipinas sa 2024 Miss Cosmo kung saan siya pumasok sa Top 10. The following year, muli siyang sumali sa Miss Universe at nakuha na niya ang crown at siya ang magri-represent sa 74th Miss Universe na nakatakdang ganapin on Nov. 21, 2025 sa Impact Challenger Hallin Pak Kret in Nonthaburi, Thailand na siyang homebase ngayon ng Miss Universe pageant.

Magpi-pitong taon na ring hindi nasusungkit ng Pilipinas ang Miss Universe crown since 2018 nang ito’y mapanalunan ni Catriona Gray kaya umaasa ang mga kababayan ni Ahtisa na ito’y kanyang makukuha.

Minsan ding pinangarap ni Ahtisa ang maging isang police officer pero hindi ito natuloy dahil sa beauty pageants siya dinala ng pagkakataon.

Ruru, mas tumibay

Hindi ikinakaila ng Kapuso primetime action hero na si Ruru Madrid na malaki ang nagawa sa kanya bilang actor at bilang tao ng kanyang action-drama series na Lolong na ang unang season ay napanood nung July 4, 2022 hanggang July 30, 2022. Ang second and third season ay nagsimula nung Jan. 20, 2025 at nakatakdang magtapos ngayong July 4, 2025.

Ayon sa boyfriend ni Bianca Umali, marami umano siyang challenges na pinagdaanan doing the series na lalo lamang nagpatibay sa kanya.

Thankful si Ruru sa management ng GMA dahil sa malaking break na ipinagkatiwala sa kanya sa pamamagitan ng Lolong series.

Bukod sa Lolong ay pinagkatiwalaan din siya ng GMA ng isa pang action series, ang Black Rider na siya rin ang pangunahing bida.

Rayver, binabantayan ang proposal kay Julie Anne!

Marami ang naniniwala na malapit na ring mag-propose si Rayver Cruz sa kanyang girlfriend na si Julie Anne San Jose lalupa’t pareho na silang nasa tamang edad para magsimula ng isang pamilya.

Rayver is 35 (turning 36 this July 20) at 31 naman si Julie Anne.

Ang nakatatandang kapatid ni Rayver, ang singer, actor-dancer na si Rodjun Cruz, ay may asawa na at dalawang anak.

Nakapagpatayo na rin si Rayver ng sariling bahay kung saan niya plano bubuin ang sarili niyang pamilya.

AHTISA MANALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »