Derek, humihirit agad ng baby #2 kay Ellen!

‘Kaloka si Derek Ramsay na humihirit daw agad ng baby number 2 sa misis niyang si Ellen Adarna.
Kinaaliwan ang post nito kung saan hinahaplos nilang mag-asawa ang katawan ng isa’t isa at sa caption nito “Baby number 2!” na may laughing emojis pa.
Sumagot agad doon si Ellen at sinabing “Lol NO”
Tawang-tawa nga ang followers nila na naka-relate lalo na ang mga babae na naranasan nang manganak.
Hindi naman kasi biro ang manganak noh.
Ang ganda at cute naman kasi ng daughter nilang si Lili na kaka-reveal lang nila ng mukha kamakailan na may endorsement na pala agad.
Kaya hirit nga ng mga follower nila ay kahit 10 anak pa raw ang gawin nila.
‘Kaloka.
Well, kung afford naman nila ang maraming anak, why not.
Mukhang ang concern nga lang daw ni Ellen ay ang figure niya kaya no pa siya.
‘Di ba nagpatanggal pa nga ito ng breast implants dahil mas priority nga nito ang pamilya nila.
Pero sa ganda naman kasi ng lahi nila, talagang wala nga namang regrets.
Kaya anak pa more. Hahaha.
- Latest