^

Pang Movies

Jowa ni Kathryn, ‘di mahanapan ng ebidensya!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jowa ni Kathryn, ‘di mahanapan ng ebidensya!
Kathryn

Kaloka na hindi pa rin daw pala tapos ang mga basher sa pag-intriga kay Kathryn Bernardo sa diumano’y karelasyon nitong pulitiko.

Naging usap-usapan na naman daw iyon dahil may nag-post na may nakakita raw sa dalawa pero wala namang maipakita na litrato.

Sinabi lang ng nag-post ang lugar pero walang maipakitang pruweba.

Kaya naman hindi na iyon pinaniniwalaan ng mga follower ng aktres.

Hirit ng iba ay tigilan na ang usapan tungkol sa lovelife ni Kathryn kung wala namang proof.

Paulit-ulit na lang nga naman kasi ang pag-link sa kanya sa pulitiko raw pero hindi naman mapatunayan at kung sinu-sino pa nga raw ang dinadamay.

Parang napaka-imposible naman daw na lumalabas ang dalawa na walang makakuha ng litrato na kahit pa nasa tagong lugar pa sila noh.

Kung ang ibang celebrity nga raw na nasa pribadong isla at nasa ibang bansa ay nakuhanan ng litrato, na hindi na nga nirerespeto ng ibang fans ang privacy ng mga artista, ang dalawa pa raw kaya?

Masyado na nga raw gamit na gamit ang issue na ito kay Kathryn ng mga basher niya.

Saka kung totoo man nga diumano ang sinasabing relasyon nila, ano namang pake nila?

Matanda na si Kathryn at hayaan na siya kung saan siya masaya noh.

KATHRYN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »