^

Pang Movies

Billy Joel, kanselado ang tour dahil sa brain disorder

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Kinansela ang concert tour ng one of America’s greatest singers-songwri­ters and musicians na si Billy Joel (76) ang kanyang napipintong 17-city tour sa North America at England na nakatakdang magsimula sa buwan ng July 2025 dahil sa kanyang medical condition.

Nung nakaraang February 2025 ay nagkaroon siya ng public concert sa Connecticut, USA (his first since 2008). Habang kinakanta niya ang isa sa kanyang classic hit na It’s Still Rock and Roll To Me ay naitapon niya ang microphone stand at siya’y na-off balance at bumagsak sa stage. Pero muli siyang tumayo at tinapos ang kanyang concert. 

Two weeks later ay in-announce ng kanyang kampo na kanselado ang kanyang nalalapit na concert tour dahil sa kanyang present medical condition na may kinalaman sa kanyang brain disorder na tinatawag na normal pressure hydrocephalus (NPH) na maaaring makaapekto sa kanyang pandinig, vision at balance.

As per his doctor’s advice, kailangan niyang sumailalim ng medication at therapy at kailangan niya munang ipahinga ang pagpi-perform during his recovery period.

Si Billy ang nasa likod ng maraming hits na siya rin mismo ang sumulat at nag-record tulad ng Piano Man, Uptown Girl, Just the Way you Are, She’s Always a Woman, A Matter By Trust at marami pang iba.

American singer-actor nick Lachey, peyborit ang pansit at adobo!

Alam mo, Salve A., napag-alaman namin na Filipina pala ang wife ng isa sa apat ng member ng sikat na grupong 98 Degrees na si Nick Lachey na si Vanessa Minnillo-Lachey na kanyang pinakasalan nung 2011 at hanggang ngayon ay sila pa rin. 

Pero ang first wife ni Nick ay ang sikat na singer-actress, fashion mogul and pop culture icon na si Jessica Simpson pero tumagal lamang ng apat na taon ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa at ito’y nauwi rin sa divorce.

Since tatlong beses na si Nick at ang ibang members ng 98 Degrees nakara­ting ng Pilipinas, gusto niyang dalhin dito ang kanyang Filipino wife at mga anak. Gustung-gusto ni Nick at ng kanyang mga kasama sa grupo ang pagiging warm ng mga Filipino pati na ang Filipino food tulad ng pansit at chicken adobo na paborito umano niya.

BILLY JOEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »