^

Pang Movies

Lovi, magkaka-baby na nga ba?

Salve V. Asis - Pang-masa
Lovi, magkaka-baby na nga ba?
Lovi

MANILA, Philippines — Wala pang kumpirmasyon, pero diumano’y buntis na si Lovi Poe.

At ang kuwento, pitong buwan na raw ang dinadala nito.

Maliit lang daw ang pagbubuntis dahil na rin siguro sa katawan ng mahusay na actress.

Sa kasalukuyan ay may ginagawa itong pelikula para sa film production nilang C’est Lovi, ang The Sacrifice sa Quezon, ng mister niyang British movie producer, Monty Blencowe.

Pero may post siya sa Instagram na back to gym. “Back in my gym rat era...well, kinda.

“She’s sleek, she’s smart, and she definitely doesn’t skip glute day. LOL

“Today’s lineup:

Cable hip abductions (for that side peach)

Glute kickbacks

Tricep pushdowns

Barbell hip thrusts

Cable curls (just for balance, you know?),” pahayag niya sa caption.

So buntis ba talaga siya?

Eric at mga kapatid bumiyahe sa Scotland para sa whisky ni Mang Dolphy

Wow, imported pala ang Banayad whisky, ang negosyo ng pamilya Quizon.

Instantly iconic and memeable, the internet has given a new life to comedy legend Dolphy’s pelikula ng nasirang comedy king Dolphy sa kanyang 1995 movie Father En Son.

Na habang nagso-shooting si Mang Dolphy ng ad para sa Banayad whisky, ay naiiba-iba ang sinasabi niya rito, na kinatuwaan hanggang ngayon ng maraming netizens.

At sa Scotland pa pala ito ginagawa at kagagaling doon nila Direk Eric Quizon.

“We were invited by our partners sa Banayad Whisky, ‘yung partner namin dun sa Scotland, si Kurt Douglas. In- invite kami para makita namin kung paano ginagawa ‘yung Banayad Whisky. Because Banayad Whisky, it is a Filipino brand, but at the same time, it is a Scottish brand because it is made and bottled in Scotland. So syempre gusto naming makita kung papaano siya binobote, kung papaano siya ginagawa,” umpisang kuwento ni Direk Eric sa amin kahapon pagkatapos ng meeting niya sa ilang miyembro ng Society of Entertainment Editors (SPEEd) para sa gaganaping The Eddys 2025 sa July 20, Marriott Grandballrooom.

“So basically, the only content lang naman ng whisky, it’s really just barley, water, and yeast. At ang pinaka-importante dun is ‘yung source of water. The more pure the water source is, the better, parang gano’n. So para malaman namin, dinala kami dun sa space site. Speyside is the place where a lot of the top whiskeys are made, like Macallan, Glenfiddich, mga ganon,” dagdag ng direktor / aktor.

Dagdag niya tungkol sa nasabing lugar : “Speyside in Scotland. Parang it’s a province, it’s a place, it’s more than a town, eh, kasi medyo malaki siya. And then ‘yung Speyside makikita mo talaga ‘yung River Spey, dun talaga nanggagaling ‘yung mga… merong mga bukal ‘yon, may mga spring ‘yon kung saan nanggagaling. Kaya ‘yung distillery, ‘yung gumagawa ng whisky naming, nandudun siya.”

Dagdag pa niya : “‘Yung whisky namin, it’s a blend, kumbaga, galing sa iba’t ibang distillery, so pinagsasama-sama siya. That’s why ‘yung sa amin, hindi siya single malt. Kasi usually ang single malt, ‘yun ‘yung galing sa isang source lang, ‘yung sa amin iba-ibang source. Kumbaga it’s like a cocktail of different single malts, parang ganun, eh. So merong three-year-old, ta’s merong 12-year-old. ‘Yung three-year-old, ‘yun ‘yung mas bata, ‘yung 12-year-old, ‘yun ‘yung mas matanda. So ‘yung alcohol content halos the same, but this time… depende rin sa panlasa mo.

“Merong iba ang gusto nila ‘yung three-year-old, ‘yung iba mas gusto ‘yung 12. ‘Yung mga whisky drinkers, gusto nila ‘yung 12. Pero yung mga hindi masyado whisky drinkers… mas matapang siya, mga whisky drinkers gusto nila ‘yun. Kamukha ko hindi naman ako talaga whisky drin­ker, gusto ko ‘yung three-year-old kasi hindi na siya lasang blade, banayad siya talaga, smooth.”

In a nutshell : paano nabuo ‘yung Banayad whisky?

“Merong pelikula ‘yung daddy ko, Father En Son, pero habang umiinom siya naiiba ‘yung reaksyon, naiiba ‘yung delivery kasi it came to a point na nalalasing na siya, napag­hahalo niya. Magsalin ng baso, inumin ang tsinelas, may mga ganon na siyang sinasabi.

“Parang naging viral ‘yan, pati ‘yung Philippine Advertising Association of the Philippines, they gave him a posthumous award, parang Glee awards yan eh, parang binigyan lang ng special award ‘yung daddy ko for that. So nag-viral ‘yan to the point na me­rong gumawa ng produkto na ito, may gumawa ng Banayad nang walang consent. Ginamit ‘yung picture, ginamit lahat ng mga sinasabi ng daddy ko, eh lahat ‘yon copyrighted, may trademark ‘yon,” pagbabahagi pa niya.

Pero hindi naman aniya sila nagalit pero kinausap niya ang mga gumagawa nito.    

“Nagkausap kami, sabi ko ‘hindi ako masamang tao, hindi ko kayo kakasuhan pero let’s collaborate.’ Sabi ko ‘gawin natin ‘tong ano…’ Kasi nag-umpisa na sila, eh. Sabi nila ‘sure, sige.’ So kinakausap ko ngayon ‘yung fa­mily ko, nag-uusap na kami. Nung sinabi ko sa kanila na ‘oh stop production muna tayo para ayusin muna natin nang tama.’ Gusto ko kasi legal, ayaw ko ng bootlegging, ayaw ko ng nagbebenta ka nang patago kasi pangalan namin ‘yon ‘di ba. So nung sinabi ko ‘yon, wala na naglaho na, naglaho sila.

“Pero pina-NBI namin sila, alam na namin ang operations nila so tinitingnan na lang namin kung nagbebenta pa rin sila. Medyo patago na sila pero somehow sa Facebook pagka-kinlick mo ‘yung site nila… marami silang followers, eh, hindi na nila pinapakita ‘yung picture ng daddy ko pero Banayad whisky pa rin ang pangalan. However naka-trademark na ‘yung lahat ng pangalan na ‘yon so pwede pa rin namin silang kasuhan,” dagdag pang impormasyon ni Eric na direktor ng seryeng Babaeng Hampaslupa sa TV5 starring Alex Gonzaga ay ipalalabas ulit bilang kapalit ng natsuging programa ni Willie Revillame na Wowowin.

Anyway, nabanggit ni Eric na wala silang problemang magkakapatid tungkol sa mga naiwan ng kanilang ama.

LOVI POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »