Sen. Robin, tameme sa protesta sa censorship
Alam mo, Salve A., inalmahan ng maraming taga-industriya at kasama na rito ang Aktor Ph ( The League of Filipino Actors) with Dingdong Dantes as chairman, ang Directors Guild of the Philippines (DGPI) ang panukalang batas ni Sen. Robin Padilla, ang Senate Bill 2805 or MTRCB Act kung saan ay sasaklawin na rin ng nasabing panukala ang mga streaming platforms tulad ng Netflix, VMX at iba pa.
Kapag ito’y makalusot sa kongreso at makarating sa Malacañang at lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ay magiging isa na itong ganap na batas.
Nalulungkot ang maraming taga-industriya sa panukalang batas na ito na authored ng isang taga-industriya na si Sen. Robin Padilla and co-authored nina Sen. Grace Poe, Sen. Lito Lapid at Sen. Bong Revilla na pare-pareho ring mga taga-industriya.
Ano kaya ang masasabi rito ni Sen. Robin Padilla?
Sarah, mag-a-ala Sharon?!
Kasama kaya ng actor, athlete at entrepreneur na si Matteo Guidicelli ang kanyang misis na si Sarah Geronimo sa kanyang pag-aaral ng Marketing sa Harvard Business School in Boston, Massachusetts, USA tulad ng ginawa noon ng Megastar na si Sharon Cuneta nang mag-aral sa Harvard University ang kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan?
Tiyak namang hindi iiwan ni Matteo ang kanyang misis sa Pilpinas habang siya’y nag-aaral sa Harvard.
Mga batang riles, may sepanx!
Hindi ikinakaila ng bumubuo ng seryeng Mga Batang Riles na sobra umano nilang mami-miss ang isa’t isa ngayong malapit nang magtapos ang serye kung saan tampok sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria at Antonio Vinzon at kung saan din kasama sina Ronnie Ricketts, Diana Zubiri, Roderick Paulate, Jay Manalo, Eva Darren, Jeric Raval, Jay Manalo, Lara Morena, Ynez Veneracion at iba pa.
Sa anim na buwan nilang pagsasama sa serye ay nakabuo umano sila ng barkada at pamilya kaya ngayon pa lamang ay nakakaramdam na umano sila ng sepanx (separation anxiety) among themselves.
Ang Mga Batang Riles ay nagsilbing acting comeback ng dating action star, director at producer na si Ronnie Ricketts at una rin niyang ginawang teleserye.
Natutuwa ang mister ni Mariz na nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho ang young talents ng GMA maging ang mga datihan.
Although reluctant noon si Ronnie na gumawa ng isang teleserye, ngayon ay mas komportable na siya lalupa’t hindi naman ganoon karami ang nagpu-produce ng pelikula.
- Latest