P1K dagdag honoraria sa mga guro na nagsilbi sa eleksyon
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) ang pagbibigay ng karagdagang P1,000 bilang honoraria sa mga guro at iba pang poll workers na nagserbisyo sa 2025 midterm elections.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ang P1,000 ay karagdagan sa naunang P2,000 across the board increase allowance na una na rin ipinag-utos ng pangulo.
Kaya ang bagong honoraria rates para sa mga miyembro ng Electoral Board ay P13,000 para sa chairperson, P12,000 para sa poll clerk, P12,000 sa third member, at P9,000 para sa support staff.
Habang ang bagong rates para sa volunteer staff members mula sa Department of Education (DepEd) ay supervisors, P12,000; supervisors’ admin support staff, P9,000; at supervisors’ tech support staff, P10,000.
Nabatid na aabot sa 760,000 poll workers nationwide ang nagbigay ng kanilang serbisyo noong May 12 elections.
- Latest