^

Police Metro

Jeep galing outing bumaliktad: Lola utas, 15 nasugatan

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masayang outing ng magkaaanak nang bumaligtad ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep na nagresulta sa pagkamatay ng isang lola at pagkakasugat ng 15 iba pa kamakalawa sa Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon.

Ang nasawing biktima na nagtamo nng grabeng pinsala sa ulo ay kinilalang si Evelyn, 72, biyuda, habang ang 13 iba pang sakay ng jeep ay nasugatan nang nagtamo ng bahagyang mga sugat.

Sa imbestigasyon, alas-11:30 ng umaga ay galing sa isang beach resort sa Tagkawayan, Quezon ang mga biktima na pawang magkakaanak at lulan ng isang passenger jeepney na minamaneho ng isang Gerardo, 54.

Habang tinatahak ng jeep ang highway ay biglang nagkadiperensya ang preno kung kaya’t nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na humantong sa pagbaligtad nito.

Tumilapon palabas ang matandang biktima at nadaganan pa ang kanyang ulo na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »