^

Police Metro

Lady Vietnamese dinukot, dinroga, ni-rape ng 3 Chinese

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang babaeng Vietnamese tourist na dinukot ng tatlong Chinese nationals na sapilitang pinagamit ng droga, at pagkatapos ay halinhinang ginahasa ang nasagip ng mga otoridad sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, ang biktima ay isang 33-anyos na matagumpay na nailigtas sa isang operation nitong Hunyo 6, 2025 sa isang condominium, Barangay San Lorenzo, Makati.

Kinilala naman ang tatlong Chinese na ­naaresto na sina alyas “Lei”, 32; “Xing”, 33; at “Zhou”, 38.

Sa ulat, noong Hunyo 2, 2025 nang mahikayat ng mga suspek na makipagkita ang biktima at pagdating sa isang condominium ng isang kaibigan sa Bel-Air, Makati City ay dinala siya sa isa pang condominium sa Brgy. San Lorenzo, kung saan unang naganap ang panggagahasa.

Kinabukasan ay dinala ang biktima sa Tagaytay kung saan siya muling ginahasa, pinagamit ng droga, kinunan ng video ng iba pang suspek bago ibinalik sa condominium sa Makati.

Dito ay tinawagan ng mga suspek ang mister ng biktima na nakabase sa abroad para hingan ng pera kapalit ng paglaya at nagbanta rin na puputulin ang daliri ng biktima kung hindi magbibigay ng ransom.

Humingi ng tulong ang mister ng biktima sa isang kaibigan na siyang dumulog sa Investigation and Detective Management Section (IDMS) ng Makati CPS at ikinasa ang operasyon.

Sa pagsalakay, inilabas ng isa sa suspek ang kasama niyang Pilipina upang iligaw ang mga pulis, subalit sa interogasyon ay nabuking din sa bibig ng Pinay na naroon sa loob ang hinahanap na biktima.

Nang papasok ang mga pulis, narinig ang pagkasa ng baril ng mga suspek kaya agad na tumawag ng reinforcement na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek at nakumpiska ang kanilang mga baril, droga, sasakyan at drug paraphernalias.

Nabatid na si alyas “Lei” ay may mga kinasangkutang kaso ng kidnapping, illegal detention, illegal possession of firearms, at carnapping.

VIETNAMESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »