Alden, pagod na pagod na sa isyu ng lovelife!

May matinding dahilan pala kung bakit mas focused si Alden Richards ngayon sa self-love at wellness ng kanyang sarili.
Sa panayam ng GMA na inere sa 24 Oras, nag-open up ang Asia’s Multimedia Star sa matinding depresyon na naranasan last year. Ibinunyag niyang sumadsad daw siya talaga ng mga panahong ‘yun.
“Kung meron pang mas mababa sa rock bottom, I was there,” ang pag-amin niya.
Ayon pa sa aktor ay wala raw halos nakakaalam ng pinagdaanan niya noong 2024.
“I think, last year was my lowest year, rock bottom. It took me six months to get over that,” aniya.
Bagama’t hindi naman daw siya nag-diagnose ng depresyon, alam niya na ‘yun ang nangyayari sa kanya.
Ang isa raw sa dahilan ng kanyang pagsadsad ay ang pagiging labis niyang matulungin. Nagulantang na lang siya na isang araw ay siya na pala ang naubusan.
“Inuuna ko muna lahat ng tao bago (ang) sarili ko. But last year, medyo, I think that was my breaking point. Kasi minsan, ‘di ba tayo, we always go out of our way to help other people, tulong, tulong, tulong, bigay, bigay, bigay.
“Ang nangyari sa akin, paglingon ko do’n sa timba ko, wala na palang natira sa ‘kin. And then that broke me to a million pieces,” pagtatapat ng aktor.
Kaya ngayon ay natuto na raw siyang unahin muna ang sarili. Mas pinagtutuunan na niya ng pansin ang self-love at ginagawa na ang mga bagay na matagal na niyang gustong gawin tulad ng biking, running at iba pa.
Nang matanong naman tungkol sa lovelife, tila napapagod na rin ang aktor sa paulit-ulit na tanong sa kanyang tungkol dito.
“‘Di ko alam, hindi ko gets. Bakit ganu’n ang mindset natin palagi? Na ang basis ng kasiyahan ng isang tao, eh lovelife,” aniya.
“It’s just this is my story and this is how I want my story to be told, not based on the presumption of other people. I’m so done with that. I’ve been here long enough. I know I’ve done so much for the industry and I would like to do more for the industry right now,” paliwanag ng aktor.
Vice, nabuwisit kay MC!
Nauwi sa iyakan ang biruan nina Vice Ganda at ng kanyang mga kabarkadang beki nang magbakasyon sila sa Palawan kamakailan.
Sa vlog ng Unkabogable Star na in-upload sa YouTube titled GGV: Gandang Gabi Veks in Palawan ay mapapanood ang tsikahan portion nila Vice at ng kanyang mga kaibigan kabilang na sina Chad Kinis, MC Muah and Lassy Marquez.
Nagkaroon sila ng segment na tila Q&A kung saan ay sinagot ni Vice ang mga tanong ng kanyang kaibigan.Sa simula ay puro tawanan at biruan ang magkakaibigan pero bandang kalagitnaan ay naging seryoso ito na nagsimula nang ilabas ni Vice Ganda ang kanyang reklamo kay MC.
Inamin ni Meme na nabubuwisit siya kay MC dahil hindi raw ito marunong makisama.
Dito na nagsimulang maglintanya si Vice tungkol sa ugali ng kaibigan.
“‘Pag kayo may rampa kayong grupo, ano mararamdaman n’yo kung ‘yung kasama n’yo, papasok sa kwarto tapos lalabas kung kailan niya bet tapos aantayin natin siya?” saad ni Vice.
“Pagkatapos, may gagawin kayo, tapos papasok na naman siya sa kwarto. ‘Tas aantayin mo na naman siya ta’s kasi hindi mo alam kung kailan siya lalabas. ‘Di ba nakakabwisit?” dagdag pa niya.
“Ugali mo lagi iyan, eh,” hirit pa ni Vice kay MC.
Hindi magkandatuto sa paliwanag si MC hanggang sa napaiyak na ito at tinanong kung bakit laging siya ang pinapagalitan ni Vice.
Paliwanag naman ni Vice, bilang kaibigan ay nais niyang itama ang hindi magandang gawain nito.
Nag-sorry naman si MC at bandang huli naman ay nagyakapan din sila bilang tanda na okay pa rin sila.
- Latest