Senado magtitipon bilang impeachment court sa Hunyo 3
MANILA, Philippines — Sa darating na Hunyo 3 ay magtitipon ang Senado bilang impeachment court para sa pag-isyu ng mga summon at iba pang kautusan na may kinalaman sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa liham ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kay House Speaker Martin Romualdez, tatanggapin ng Senado ang panel of prosecutors ng House of Representatives, alas-4:00 ng hapon ng Hunyo 2, 2025.
Nakatakdang magpatuloy ang regular na sesyon ng Kongreso sa Hunyo 2, matapos ang May 2025 election. Magtatapos ang 19th Congress sa Hunyo 14.
Pinadala na rin ang kopya ng liham sa tanggapan ng Vice President at tinanggap sa ganoon ding petsa.
Noong Pebrero, inakusahan ng House of Representatives si Vice President Sara Duterte ng betrayal of public trust, at culpable violations of the Constitution.
Inakusahan din ng Kamara si Duterte ng gumawa na high crimes dahil sa pagbabalak na pagpatay sa kasalukuyang President, First Lady at House Speaker.
In-impeach ng Kamara si Duterte dahil sa betrayal of public trust at graft and corruption kaugnay ng ng diumano’y maling paggamit at paglustay ng pondo ng Office of the Vice President at ng Department of Education (DepEd) na dati niyang pinamunuan.
Inakusahan din si Duterte ng bribery, acts of destabilization, conspiracy, murder, pagkakaroon ng hindi maipaliwanag ng yaman at pagkabigong ibunyag ang lahat ng kanyang property at interest ng ari-arian sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).
- Latest