Mas mataas na buwis sa vape products hirit ng BIR

MANILA, Philippines — Nais ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan ng mas mataas na buwis ang lahat ng vapor products, na kung mas mababa kaysa sa sigarilyo ang ibinabayad nito ay malaki umano ang mawawalang kita ng gobyerno.
“We wish to maintain that cigarette products and heated tobacco products should be taxed at the same rate, your honor,” ang pahayag ni BIR Large Taxpayers Service Assistant Commissioner Atty. Jethro Sabariaga sa pagharap nito sa pagdinig sa Senado.
Pagbibigay-diin ni Sabariaga, ang isang vape product ay mas marami ang ‘puffs’ kumpara sa isang pack ng sigarilyo kung kaya ang maituturing na hindi patas ang kasalukuyang tax rate sa mga ito.
Kinatigan naman ng Department of Finance (DOF) Director Maria Carla Espinosa ang posisyon ng BIR official at sinabing “the DOF indeed supports a unitary specific tax rate for all vapor products. This is to improve efficiency in tax collections and to encourage increase in tax compliance”.
Noong taong 2023, nasa 11.2 million milliliters ng vape liquids lamang ang nabuwisan, na katumbas ng P223.75 milyon koleksyon ng excise taxes.
Subalit sa pagpapatupad nito ng BIR’ ng vape stamp system noong Hunyo 2024, ang koleksyon ng ahensiya ay umakyat ng P942 milyon mula sa 130 million milliliters na nabuwisan nito sa loob lamang ng isang taon.
- Latest