Harry Roque may 3 pasaporte - DOJ
MANILA, Philippines — Ipapahukay ng Department of Justice (DOJ) sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung paano nakakuha ng tatlong Philippine passport ang dating spokesperson ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Harry Roque.
“We will ask the DFA siyempre sila ang gumagawa niyan hindi naman ang DOJ,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Martes.
Una nang nakatanggap ng mga ulat si Remulla na may hawak na tatlong pasa-porte si Roque, sa gitna ng kahilingan niya sa Angeles City Regional Trial Court na makansela ang Philippine passport nito.
Ang nasabing korte ang may hawak ng mga kasong human trafficking laban kay Roque kaugnay sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
“Ipapahalukay namin iyan kasi we are petitioning for the cancellation of his passport kasi nga fugitive from the law na siya,” ani Remulla.
- Latest