^

Pang Movies

Marian, NR sa pagkakadawit sa confidential fund!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Marian, NR sa pagkakadawit sa confidential fund!
Marian

Nag-react na si Chel Diokno sa pagkakadawit ng pangalan niya sa nabigyan ng confidential fund ng Office of the Vice President.

Nakita ang acknowledgment receipts ang pangalang Jose Diokno, Jr,. na kapangalan ni bagong halal na Akbayan representative Chel Diokno,

Sa acknowledgment receipt, nakasulat na nakatanggap si Jose Diokno, Jr. ng P120,000. Walang sinabi kung para saan ang nasabing halaga. Unlike sa natanggap ng nakapangalan kay Marian Rivera na para raw sa transport rental/expenses.

Sa reaksyon ni Rep. Diokno, nabanggit nito ang pangalan ni Marian.

Sabi nito, “Lahat na ba nasa listahan ng confidential funds? Pati ba naman pangalan namin ni Ma’am Marian dinamay nila! Grabe ang kawalang-hiyaan!”

Hinihintay ang reaksyon ni Marian sa pagkakadawit sa isyung ito at wish ng netizens, mag-react ang misis ni Dingdong Dantes at alam nilang kakaiba ang reaksyon nito.

Julia at Gerald, burado na ang litrato ng isa’t isa?!

Napa-check tuloy kami sa Instagram nina Julia Barretto at Gerald Anderson dahil ang sabi, deleted na ang photos ng bawat isa sa kani-kanyang Instagram pages. Ibig daw sabihin nito, hiwalay na talaga ang dalawa. Nalalaman daw kapag break na ang isang couple kapag deleted na ang mga larawan nila.

Una naming tsinek ang IG ni Julia, in fairness, may nakita kaming photo nila, pero 2023, kaya matagal muna kaming nag-scroll bago mahanap ang photo nila together. Parang birthday greetings pa ng aktres kay Gerald ang post na ‘yun.

Next naming tsinek ang IG ni Gerald and in fairness uli, may photo pa nila ni Julia sa kanyang post. Kaya lang, noong March 10, 2025 pa at birthday greetings niya kay Julia ‘yun. Mas bago dahil this year lang at ang isa pang photo nila ay ABS-CBN Ball 2023 pa.

May nakita kaming post ni Gerald kasama ang brother ni Julia na si Leon Barretto at ang husband and daughter ni Dani Barretto.

Sabi naman ng fans, hindi talaga mahilig ang dalawa na mag-post ng pictures nila together at kung mag-post man, IG story lang na nawawala rin.

 Pero, ngayon pa lang, marami na ang nalulungkot kung totoo ngang hiwalay na sila.

Kim Rodriguez, sinagot ang relasyon nila ni Gov. Daniel Fernando

Kung hindi pa nabalitang sina Bulacan Governor Daniel Fernando at Kim Rodriguez na, hindi pa namin malalaman na single pala si Gov. Daniel.

Sa kanyang TikTok sinagot ng pa-comedy ni Kim ang mga comment sa kanila ng gobernador.

Sa nag-comment na dedma na lang sa basher si Kim basta may Daniel Fernando siya, ang sagot nito, “Pikit.”

May nagsabi naman na kaya fresh si Kim dahil iba talaga ang alagang Gov. Daniel, ang sagot ni Kim, “Taray ng user name @alwaysbekindtoothers.”

Sa mga comment, wala raw masama kung maging sila dahil single nga at walang asawa ang gobernador.

Binatang-binata raw ito, kaya walang asawa na mang-aaway sa Kapuso star.

Lumabas pa na marami ang na-link kay Daniel, pero hanggang link lang dahil wala itong pinakasalan.

Kaya mali rin ang akusasyon sa kanya na puro may asawa ang nali-link sa kanya.

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »