Claudine, brokenhearted sa scammer ng sanggol
Kaloka na brokenhearted daw si Claudine Barretto dahil inaasahan daw sana ng kaibigan niya at ng partner nito na maiuuwi ng mga ito ang isang three-week-old baby boy pero biglang nagbago ang isip ng magpapaampon.
Gaganda raw sana ang buhay ng sanggol kung mapupunta iyon sa mag-asawang aampon sana roon.
Sa post ni Claudine ay nagbabala siya na mag-ingat sa scammer na nagngangalan daw na Teresita Cruz.
Pinahahanap na raw niya iyon sa NBI at CIDG at wanted na.
Kaya lang nagtaka ang mga follower niya kung bakit may ipinost pa siyang GCash transaction na P5,000.
Napatanong tuloy ang mga iyon kung legal adoption ba iyon gayung may diumano’y perang involved.
Sinagot naman daw iyon ni Claudine ang alam daw ng kaibigan niya na couple ay legal ang lahat dahil may Department of Social Welfare and Development pang nag-interview sa kanila pero modus daw pala.
At ang pera raw ay para raw sa pamasahe.
Sey tuloy ng mga follower niya ay dapat daw alam ni Claudine ang tamang proseso dahil may mga ampon din siya.
Dahil kung talagang legal daw lahat ay wala dapat kahit anong transaksyon kahit pamasahe pa raw.
Mukhang ito pa nga raw ‘yung mga nag-aalok ng mga sanggol online na pasok daw sa human trafficking.
‘Kaloka naman.
- Latest