^

Pang Movies

Klea, hiwalay na sa non-showbiz GF?!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Klea, hiwalay na sa non-showbiz GF?!
Katrice at Klea

Hiwalay na raw ba ang Kapuso actress na si Klea Pineda at girlfriend nitong si Katrice Kierulf?

Nag-unfollow na raw kasi ang dalawa at burado na rin ang pangalan ng isa’t isa sa bio ng social media account nila, pati na rin ang mga litrato nila ay deleted na rin kay Katrice.

Napansin din ng mga marites ang pag-repost ni Katrice ng mga content sa TikTok na tila tungkol sa cheating.

Napaisip ang mga follower nila kung may third party nga ba sa kanila.

Nanghinayang ang mga tagasuporta nila lalo na at kalalabas lang ng Pride Edition ng Preview magazine kung saan na-feature pa sila pero hindi iyon ni-repost ni Katrice.

Marami ang nalungkot kung totoo ngang hiwalay na sila pero wala naman silang magagawa kung hindi na masaya ang dalawa sa isa’t isa.

Bumilib pa naman ako noon kay Klea nang umamin siyang gay siya at nilantad ang relasyon sa kapwa babae.

Hindi siya natakot noon sa kalalabasan ng pag-amin kundi mas inuna niya ang freedom para sa kanyang sarili.

 Sayang na pagkatapos nilang ipagsigawan ang kanilang relasyon ay sa hiwalayan din pala hahantong.

‘Kaloka.

KLEA PINEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »