^

Pang Movies

Regine, mamimigay ng yaman!

Salve V. Asis - Pang-masa
Regine, mamimigay ng yaman!

MANILA, Philippines — Handa na ang kiddie hopefuls na ibida ang kanilang galing sa kantahan sa pinakamalaking talent reality show at kauna-unahang Idol Kids Philippines, tampok ang naglalakihang bituin sa industriya ng musika sa Pilipinas na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Power Diva Angeline Quinto, record-breaking singer at songwriter Juan Karlos, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Ibibida ng kiddie hopefuls mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang kanilang world-class talent sa pagkanta at ibahagi ang kani-kanilang kwento sa pag-abot ng kanilang mga pangarap tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at TV5 simula ngayong Hunyo 28 (Sabado).

Muling haharap sa kiddie hopefuls si Regine na nagsisilbing inspirasyon sa maraming henerasyon ng mang-aawit sa loob ng mahigit apat na dekada.

Handa siyang ibahagi ang kanyang yaman ng karanasan bilang OPM icon. Makakasama rin sa panel si Angeline, isang dating kontesera na unang sumikat sa Star Power at kinilalang “Queen of Teleserye Theme Songs” dahil sa kanyang iconic hits para sa ABS-CBN dramas.

Ready na ring mag-mentor ang Gen Z Idol judge na si Juan Karlos, ang breakout artist sa likod ng record-breaking hits na Buwan at Ere na kauna-unahang OPM track na nakapasok sa Spotify Global Top 100. Nagbabalik din bilang hurado ang multi-awarded performer na si Gary V. na may 26 albums at mahigit apat na dekada ng karanasan sa entablado’t telebisyon.

Paniguradong mapupuno ng good vibes ang weekend ng mga Kapamilya sa bagong duo hosts na sina Jolina Magdangal at Robi Domingo. Sasamahan din sila ng bagong IdolKada online hosts na sina Kapamilya actress at Idol Hopeful Shanaia Gomez at Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ex-housemate Emilio Daez na makaka-bonding tuwing weekend ng netizens sa Idol Kids Philippines Spotlight. 

Abangan ang kiddie hopefuls sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa Idol Kids Philippines simula sa Hunyo 28 (Sabado) at Hunyo 29 (Linggo).

Dalawang aktres, namimingwit ng mayayamang AFAM

Magkasundo pala ang dalawang aktres sa paghahanap ng mga rich AFAM na jojowain.

As in naging BFF daw sila dahil nga hoping ang mga ito na magkakaroon ng papa na hihiga sila sa salapi.

Ngayon daw ay talagang super post sila ng mga kasosyalan para nga naman maka-level up at mapansin ng mga nasa mataas na antas ng lipunan.

May katawan ang dalawang aktres na ito at magaganda ang mukha pero hindi na gaanong aktibo ang career.

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »