^

PM Sports

Pinoy cagers malinis pa rin sa SEABA

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ng Gilas Youth matapos payukuin ang Thailand, 87-42, para masiguro ang ikalawang sunod na panalo sa FIBA U16 Asia Cup SEABA Qualifiers na ginaganap sa San Fernando City sa Pampanga.

Naglatag agad ng 31-1 run ang Pinoy cagers sa first quarter sa likod nina Andwele Cabanero, Jhustin Hallare at Prince Carino.

Solido rin ang depensa ng Gilas na napuwersa ang Thailand na makagawa ng siyam na turnovers at bigong makapuntos sa kanilang 19 field goal attempts.

Subalit bumawi ang Thailand sa second quarter.

Umiskor ito ng 19-16 laban sa Gilas Youth — bagay na agad na pinuna ni head coach LA Tenorio.

“We reminded them during halftime that moments like the first quarter will come, like we could do nothing wrong,” ani Tenorio.

Pinaalalahanan ni Tenorio ang bataan nito na irespeto ang laro at ang mga kalaban nito.

Sa second half, nagising agad ang Gilas Youth na nagtala pa ng pinakama­laking kalamangan na 45 puntos sa fourth quarter para makuha ang panalo.

Umangat sa 2-0 ang Gilas Youth.

Nagtala ng kabuuang 21 turnovers ang Thailand na may mababang 16 porsiyentong shooting clip.

Bumandera sa Gilas Youth si Gab Delos Reyes na nagtala ng 16 puntos at siyam na rebounds habang nakalikom si Carino ng 15 points.

Umiskor naman si Cabanero ng 10 puntos, apat na rebounds, dalawang assists at tatlong steals. 

 

SEABA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »