Knicks bumawi sa Game 3

INDIANAPOLIS — Iniskor ni Karl-Anthony Towns ang 20 sa kanyang 24 points sa fourth quarter para gabayan ang New York Knicks sa pagbangon mula sa isang 20-point deficit at balikan ang Indiana Pacers, 106-100, sa Game 3 ng Eastern Conference finals.
Nagdagdag si Jalen Brunson ng 23 points para sa pagdikit ng Knicks sa 1-2 sa kanilang best-of-seven series ng Pacers.
Humakot din si Towns ng 15 rebounds para sa pagresbak ng New York mula sa 0-2 pag-iwan ng Indiana sa kanilang serye.
“It’s a true test when you’re down 20-plus,” sabi ni Towns. “Tonight was the kind of night where he had to have that never-say-die attitude.”
Pinangunahan ni Tyrese Haliburton ang Pacers sa kanyang 20 points at 6 assists habang may 19 markers si Myles Turner.
Nabaon ang Knicks sa 35-55 sa 3:20 minuto sa second period bago kunin ang 68-52 kalamangan sa kaagahan ng third quarter.
Nakadikit ang New York sa pagtatapos ng nasabing yugto, 70-80, bago maagaw ang 89-88 abante sa 7:10 minuto ng fourth canto sa likod nina Towns at Brunson.
Pipilitin ng Indiana na makalapit sa kanilang ikalawang NBA Finals appearance matapos noong 2000 sa pagdribol ng Game 4 bukas.
- Latest