Pangulong Marcos: Wala akong papel sa impeachment ni VP Sara

MANILA, Philippines — Mas pinili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makialam sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Sa huling bahagi ng podcast interview ng Pangulo, muli niyang iginiit na busy siya sa dami ng problema sa transportasyon, bigas at iba pang bagay kaya rito nauubos ang kanyang oras at wala siyang papel sa impeachment.
Sa mga alegasyon naman na kaya naantala ang proseso ng impeachment ng Bise Presidente ay dulot ng personal o pampulitikang interes, giit ng Pangulo, lahat ng impeachment process ay nasa lehislatura sa pagitan ng Senado at Kamara.
“That’s not my-- I’m busy with the transport, with the rice, with all of the different things that we are doing that nauubos ang oras ko doon. To put it bluntly, wala naman akong papel doon sa impeachement,” pahayag pa ng Pangulo.
Sinagot din ni Marcos ang mga alegasyon na mayroong say ang Pangulo sa magiging desisyon ng impeachment.
“Siguro, if the president chooses to do that-- I choose not to,” pahayag pa ng Pangulo.
- Latest