^

PM Sports

Converge, Rain or Shine pupuntirya ng panalo

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang balak magpaiwan ang Converge at Rain or Shine sa karera ng Top 4 para sa twice-to-beat advantage kontra sa magkaibang karibal ngayon sa pagpapatuloy ng umiinit na 2025 PBA Philippine Cup ngayon sa PhilSports Arena, Pasig.

Sasagupain ng Converge ang Terrafirma (1-7) sa alas-5 ng hapon bago ang tagisan ng RoS kontra sa Phoenix (2-5) sa alas-7:30 ng gabi papasok sa krusyal na homestretch ng 12-team eliminations.

Nasa ika-5 hanggang ika-6 na puwesto ang Elasto Painters ngayon hawak ang 4-3 katabla ang Talk ‘N Text kartada habang nakabuntot lang sa likod ang FiberXers sa 5-4 kartada kaya kailangang manalo upang manatili sa Top-4 race.

Magnolia (7-1), San Miguel (6-2), NLEX (6-2) at Barangay Ginebra (5-2) ang may tangan ng Top 4 ngayon para mamuro sa asam na win-once bonuses sa playoffs.

Parehong galing sa dikit na kabiguan ang RoS at NLEX kaya siguradong gigil na makabawi kontra sa kulelat na mga koponan.

Kinapos ang comeback ng Converge ni coach Franco Atienza kontra sa NLEX mula sa 16-point deficit, 88-83, habang kinulang din ang mga bataan ni coach Yeng Guiao at Elasto Painters kontra sa Tropang Giga, 111-103.

Babandera sa RoS sina Santi Santillan, Adrian Nocum, Andrei Caracut, Keith Datu, Jhonard Clarito at Gian Mamugay habang bida sa Converge sina Alec Stockton, Schonny Winston, Justin Arana at Justine Baltazar.

 Samantala, isusuot ng 13-year veteran forward na si Calvin Abueva ang uniporme ng NorthPort matapos na ibigay ito ng Magnolia Hotshots sa Batang Pier.

Bukod kay Abueva, dinala rin ng Hotshots sa Batang Pier si Jerrick Ba­lanza at isang second-round pick sa Season 51 draft kapalit ni William Navarro.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »