Life pro tips
1. Kung ikaw ay nakadarama ng nerbiyos, diinan (acupressure) mo ang iyong pulso sa braso. Nasaan ang pulso? Ipatong mo ang iyong 3 daliri (hintuturo, panggitna at palasinsingan) nang pa-horizontal sa ilalim ng iyong palad. Kung saan mapapatapat ang hintuturo, naroon ang pulso.
2. Mas malakas makalasing kung ang ihahalong sofdrink sa alak ay diet cola.
3. Huwag mo nang pagtiwalaan ang taong pinerwisyo ka na ng dalawang beses. Ang una niyang kasalanan ay nagsilbing warning sa iyo; ang ikalawa ay nagbigay sa iyo ng aral na tigilan mo na ang pagiging tanga. Kung pagbibigyan mo pa rin siya sa ikatlong pagkakataon, iyon ay pagbibigay ng permiso na abusuhin ka.
4. Ang pakikinig ng 5 hanggang 10 awitin ay nakakabawas ng depression ng 80 percent, nakakaunlad ng memorya, at nakakapagpalakas ng immune system.
5. Mas maraming magagawa at malayo ang mararating ng isang tao kung pakikinggan niya ang sinasabi ng kanyang katawan: Matulog na kung inaantok, kumain ng masustansiyang pagkain, magpahinga kung napapagod na at magbakasyon kung nabuburyong na sa buhay.
6. Kung ang posisyong inaaplayan mo ay kailangan ng experience at may sapat ka nito, mag-demand ka ng mas mataas na suweldo kumpara sa iniaalok nila.
7. Kung magpo-post ng photo sa online, i-crop ang paligid ng photo. Kapag may gumamit nito nang walang permiso, may pruweba ka na pag-aari mo ito. Bigla mong ipapakita ang kumpletong kabuuan ng photo.
8. Kung gusto mo ang pinakamurang produkto sa supermarket, ito ay nakadispley sa pinakaitaas ng shelf.
9. Ang pag-inom ng kape bago mag-workout ay nagpapabilis ng metabolism at pagtunaw ng taba.
10. Gumamit ng blue ink kapag pipirma sa isang dokumento para makilala mo kung alin ang orihinal na kopya kapag ipina-xerox ito.
- Latest