Iboto ang kandidatong inuuna ang edukasyon! – PBEd
Ang kailangang iboto ng mga Pinoy sa midterm election ngayong araw ay ang mga kandidato na bibigyan ng prayoridad ang edukasyon. Hiniling ng Philippine Business for Education (PBEd) sa mga botante na piliin ang mga lider na uunahin ang edukasyon sa kanilang plataporma dahil ito ang gigiya sa kabataan upang isulong ang pag-develop ng kanilang skilled, informed at empowered generation.
“The country needs leaders who see education as the foundation of everything—from innovation to inclusive growth. Without it, we cannot build a globally competitive and equitable future,” ani PBEd Executive Director Hanibal Camua.
“As voters, we must go beyond personality politics and demand quality education. This is the moment to choose leaders who understand that fixing the education system means securing jobs, growing the economy, and uplifting every Filipino family,” giit pa ni Camua.
Kaya bago pumunta sa inyong polling precincts mga kosa, pag-aralan muna kung sinu-sinong kandidato sa pagka-senador, kongresista, governor at mayor na nagsusulong sa edukasyon at bilugan ang kanilang pangalan sa balota. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang panawagan ni Camua ay alinsunod sa namamayaning pagsubok sa mga silid aralan. Iniulat kasi ng Philippine Statistics Auhority (PSA) sa hearing ng Senate basic education committee ni Sen. Sherwin Gatchalian, na halos 19 milyon na senior at junior high school graduates ng nakaraang taon ay “functionally literate” o ‘yaong hirap mag-comprehend ng simpleng istorya. Araguyyy!
Sa Functional Literacy, Education and Mass Media Study ng PSA noong 2019, kinokonsidera na itong functionally literate kapag sila ay hindi hirap magbasa, magsulat at gagawa ng basic math at naintindihan ang kanilang binabasa sa pagtatapos nila ng senior high o junior high sa ilalim ng K to 12.
Subalit sa 2024 FLEMMS, nirebisa nito ang pagtawag sa functional literate sa kahit sinong marunong magbasa, magsulat, mag-compute at mag-comprehend. Eh di wow!
“Education agencies cannot fix this crisis alone—and without bold, sustained support from elected leaders at every level of government, our most critical goals will remain out of reach,” ayon kay Camua. Hehehe Ambot sa kanding nga may bangs!
Habang abala ang PBEd sa kanilang panawagan sa mga botante na iboto ang mga kandidato na ang plataporma ay ang edukasyon, super abala rin si Comelec chairman George Garcia sa mga preparasyon para sa midterm elections ngayong araw. Nagsagawa si Garcia ng walkthrough sa Manila hotel Tent, ang venue ng National Board of Canvassers.
Hayagan ding minomonitor ng Comelec ang vote buying sa buong Pinas, lalo na sa Quezon City, kung saan ang incumbent mayor na si Joy Belmonte ay walang kalaban. Ang ibig sabihin ni Garcia ay si Belmonte ay hindi sangkot sa vote buying ha mga kosa?
“Diyan sa Quezon City po ‘yung blockbuster. Kala mo nanonood ng sine sa pagkahaba-haba,” ani Garcia. ‘May ilang buildings d’yan na nagkaroon mg bilihan ng boto,” ayon pa kay Garcia, sabat sabing kahit saang parte ng bansa ay nakamonitor ang Comelec sa vote-buying. Ang sakit sa bangs nito!
Samantala, naibaba na ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang kapulisan, na kasama ang militar, ay mag-secure ng lahat ng polling centers sa buong Pinas. Ang target ni Marbil ay zero violence sa midterm election. Kaya sa mga registered voters diyan, go out and vote na! Wag mainit ang ulo ha! Abangan!
- Latest