^

Punto Mo

Lalaki sa France, nabistong 28 taon nang nagmamaneho nang walang lisensiya!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa France ang nahuli kamakailan sa isang traffic stop, ngunit ang nagulat ang mga pulis na humuli sa kanya nang malaman na wala na itong lisensiya para magmaneho sa loob ng 28 taon.

Ayon sa ulat ng ­pulisya ng Tarare, una nilang pinara ang sasakyan dahil sa paso nitong technical inspection. Ngunit habang sinusuri ang mga dokumento ng motorista, lumitaw na wala rin itong car insurance at ang mas nakakagulat pa, kanselado na ang kanyang driver’s license mula pa noong 1997. Sa harap ng mga pulis, walang kaba niyang inamin na nawalan siya ng lisensya matapos mahuling lasing habang nagmamaneho halos 28 taon na ang nakalilipas. Simula noon, hindi na raw siya nag-abala pang kumuha muli ng panibago.

“Una naming nalaman na walang insurance ang sasak­yan,” ayon sa Facebook post ng Tarare police. “Pero ang tunay na sorpresa ay nang suriin ang lisensiya, nagmamaneho na pala siya nang walang ­driver’s licsense simula pa noong 1997!”

Lalo pang pinagtibay ng imbestigasyon na hindi rin sumusunod ang lalaki sa taunang inspeksiyon ng sasakyan. Halos tatlong dekadang nakalilipas, tila pinili na lamang niyang huwag sundin ang kahit anong regulasyong may kinalaman sa pagmamaneho. Hindi malinaw kung paano nakalampas ang lalaki sa mga checkpoint sa loob ng 28 taon.. Sinampahan na siya ng mga kaso at haharap sa korte.

DRIVERS LICENSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »