^

Punto Mo

Puwede bang ­kabayaran sa ­pag-oobertaym ang leave o early out?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Paano po kung ang ibinibigay lang ng employer ay leave o early out kapag nakapag-ipon ang empleyado ng overtime? Puwede bang kabayaran ito? —Virgil

Dear Virgil,

Malinaw sa batas na kailangang bayaran ang empleyado ng overtime pay kung sumobra na sa walong oras ang kanyang pagtatrabaho sa loob ng isang araw.

Basta’t lumampas na sa walong oras ang trabaho sa loob ng isang araw, kailangang bayaran ang empleyado ng dagdag na 25 percent ng kanilang hourly rate o 30 percent naman kung nagkataong holiday o rest day nang siya ay nag-overtime.

Wala namang problema kung ang sinasabi mong leave o early out ay dagdag benepisyo na ibinibigay sa empleyado bukod sa overtime pay.

Pero kung ang employer na binabanggit mo ay tinatratong regular working hours ang  overtime sa pamamagitan ng pagbawas na lamang sa oras ng trabaho sa mga susunod na araw, maari siyang maharap sa reklamo dahil malinaw na paglabag iyan sa batas ukol sa pagbabayad ng tamang overtime pay.

WORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »