Ang pagbahagi ng personal na buhay sa social media
KUNG nais mong maging pribado ang iyong personal na buhay, dapat tandaan ang mga sumusunod sa pagpo-post ng mga personal information sa social media:
1. Iwasang gawing pampublikong content sa social media ang iyong masayang lovelife. Halimbawa: labis na pagbabahagi tungkol sa partner. Kung magbabahagi man, panatilihin itong simple at may paggalang.
2. Iwasang mag-post ng malabo o emosyonal na mga rant tulad ng “subtweet” o “hugot”.
3. Gumamit ng magkakaibang email address, numero ng telepono, o social media account para sa trabaho, paaralan, o negosyo.
4. Iwasang i-tag ang iyong lokasyon at mag-post ng real-time na updates kung nais mong manatiling low-key.
5. Huwag ibahagi sa social media ang mga activities ng iyong mga anak lalo na ang mga menor de edad.
6. Pati ba naman ang ulam ninyo sa araw-araw ay ipagyayabang pa, puwera na lang kung may vlog ka tungkol sa pagluluto.
7. Huwag ipagyabang ng mga mamahaling gamit na binili.
Ang katotohanan niyan: Hindi lahat ng tao ay natutuwa sa mga ipino-post mo. Karamihan sa magagandang komento ay pagpapanggap lamang. Bukod dito, nang-aakit ka lang ng “evil eye” mula sa mga inggiterong tao na kadalasang nagdudulot ng negative vibration. Ang pagtatago ng iyong pribadong buhay ay nakakatulong upang maprotektahan ang iyong kapanatagan ng isip, mapanatili ang healthy boundaries, at maiwasan ang hindi kinakailangang paghusga o panghihimasok.
- Latest