Gerald, may pasabog sa scammer

MANILA, Philippines — Ilang eksena pa lang ang napanood kahapon sa Sins of the Father pero alam mo nang pag-uusapan ang bawat eksena nito.
Sesentro sa buhay ng mga naging biktima ng iba’t ibang scam ang kuwento ng teleseryeng pinangungunahan ni Gerald Anderson bilang si Samuel na guguho ang mundo dahil sa isang scam kung saan kasangkot ang kanyang ama.
Mapapanood ito simula Hunyo 23 (Lunes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at TFC simula Hunyo 23 (Lunes).
Bago ang atake, hindi revenge plot kundi pagharap sa hindi magandang pangyayari na kanilang ginawa base sa unang episode nito kahapon sa ginanap na red carpet premiere.
Networking ang tinatalakay at star-studded powerhouse cast.
At comeback teleserye pa nina Gerald and Jessy Mendiola na anim na taon din palang napahinga sa paggawa ng series.
Kaya naman excited din ang fans sa teleserye comeback ng aktor.
Samantala, libu-libong Kapamilya mula sa Cavite ang nakisaya sa Bida Kapamilya event ng ABS-CBN na naghatid ng pasasalamat at pagdiriwang kasama ang cast ng pinakabagong teleserye.
Naganap ang nasabing selebrasyon noong Linggo (Hunyo 8) tampok ang mga libreng serbisyo at iba pang sorpresa para sa mga Caviteño sa General Trias City Hall. Sinundan ito ng motorcade na umikot sa iba’t ibang barangay sa General Trias kasama ang Sins of the Father stars.
Tuluy-tuloy ang saya sa entablado sa Robinson’s Place General Trias kasama pa rin ang Sins of the Father stars kabilang si Seth Fedelin na talaga namang inabangan at hiniyawan ng mga manonood.
Hinarana rin ng TNT All-Star Grand Resbak champion na si Marko Rudio ang Kapamilya fans sa pamamagitan ng upcoming single niyang Pag-asa Kada Bukas, na magsisilbing official soundtrack ng teleserye.
Naghandog din ng kani-kanilang song numbers ang ASAP Singing Champs na sina Khimo Gumatay at Reiven Umali.
Nagpaindak naman ang rising P-pop boy band na 1621 sa pag-awit nila ng Maria at ng patok nilang kanta na Bababa na sinabayan pa ng energetic crowd dahil sa viral dance moves nito.
Mapapanood na ang Sins of the Father simula Hunyo 23 (Lunes).
Luis, tuhog na ulit sa trabaho
Tuhog na ulit ang trabaho ni Luis Manzano.
Kahapon ay dumating din siya sa red carpet premiere ng Sins of the Father.
All-out nga ang suporta niya sa misis na si Jessy Mendiola na six years ago nang huling gumawa ng teleserye. (SUNDAN SA PAHINA 6)
“Ang sabi ko nga ang isa sa nami-miss kong gawin ay Home Sweetie Home. Kasama ko si Vhong Navarro, Toni, Gonzaga, Cathy Gonzaga, si Kuya Bayani Agbayani. So, nami-miss ko rin umarte lalung-lalo na ang sitcom,” bungad sa amin ni Luis nang makita namin siya.
Balik-showbiz na ulit siya?
“Yes, nagsimula na ako ng taping. Naka-tatlong araw na ako, nakapag-endorsement na ako, may isa pa akong bagong endorsement next week so tuluy-tuloy. I’m very very thankful na sobrang tiwala sa akin ng ABS-CBN. Nandun ang tiwala ng Kapamilya, lahat ng mga brand na medyo naantala ng konti dahil nagkampanyahan, campaign period. Pagkatapos tuloy pa rin,” kumpirmasyon ni Luis kahapon sa pagbabalik.
At dahil madalas sa kanyang mga account ang anak nilang si Peanut, may gagawin na ba silang project na kasama ang anak nila ni Jessy?
“Si Peanut hindi ko pa alam kung willing kaming ipasok sa ganun pero may napag-uusapan kami dati. Sana ako, si mommy (Gov. Vilma Santos) at tsaka si Jessy. May na-present na nga sa amin na mga story, parang may apat o lima. But this was way before the campaign. Siguro mga two years ago na hindi na nag-materialize.
“Pero ako nami-miss ko talaga ang mag-sitcom. Kung sakali man si mommy, ibang klaseng Vilma Santos ang ating makikita kasama si Howhow (Jessy) na siguradong masaya dahil alam na namin ang timpla ng isa’t isa,” sabi pa ni Luis na hindi pinalad na manalong Vice Governor ng Batangas pero mabilis niyang natanggap ang naging kapalaran.
Grabe ang suporta noon kay Luis ni Jessy kaya talagang all-out din siya ngayon sa misis.
“Of course, kung ano man ‘yung... ito nga ay isang simpleng pagpunta ko eh kulang na kulang na kulang pa ito sa lahat ng suportang binigay ninyo sa akin throughout the campaign period,” pagkukuwento pa niya.
Papalit ito sa Saving Grace na pinagbibidahan ni Julia Montes.
Bea, sure na raw na magiging donya!
Ahh totoo bang basted sa beauty queen/model na si Dindi Pajares ang bilyonaryong karelasyon ngayon ni Bea Alonzo na si Vincent Co?
Yup, antagal diumanong nanligaw ng negosyante kay Miss Supranational Philippines 2021 na isa ring flight stewardess pero hindi raw talaga ito na-in love sa negosyante.
Bago nga raw si Bea, in love na in love ang negosyante sa beauty queen/model.
Pero that time raw hindi pa payat ang businessman, medyo chubby pa ito.
Aside from Dindi, naging ex rin diumano ng businessman ang magandang mayora ng San Manuel, Tarlac na si Donya Tesoro na minsan nang na-link kay Mayor Vico Sotto. Mga November–December daw ‘yun last year.
Anyway, ‘mahilig’ daw talaga sa maganda ang negosyante ayon sa narinig kong chikahan kahapon.
Pero ‘yun nga, malamang daw na pakasalan na ng negosyante si Bea kaya magiging donya na talaga ang aktres.
- Latest