^

Bansa

Hontiveros ‘bukas’ sa posibilidad na tumakbo sa 2028 presidential race

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Hindi itinanggi ni Sen. Risa Hontiveros na bukas siya sa posibilidad na maging standard bearer ng oposisyon sa 2028 presidential elections.

Ginawa ni Hontiveros ang pahayag sa Kapihan sa Senado forum nang tanungin kung isasaalang-alang ang pagtakbo bilang Pangulo tatlong taon mula ngayon.

“I’m not saying no. I’m open to all possibilities. At ‘yun ‘yung hinihingi ko rin sa lahat ng mga kasama sa oposisyon or independent bloc na magiging bukas kami sa lahat ng possibilities at sa isa’t isa, alang-alang sa oposisyon at alang-alang sa ating mga kababayan,” ani Hontiveros.

Pero sinabi rin ni Hontiveros na pagtapos ng 2025 midterm polls ang kanyang focus ay hindi ang 2028 polls, kundi higit sa pagkakaisa sa mga kaalyado na sumuporta sa Akbayan.

Ngayong kasama na niya sina incoming Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at Bam Aquino sa susunod na Kongreso, sinabi ni Hontiveros na magsisilbi silang “center of gravity na magsisilbing check and balance” at fiscalizer.

Bagama’t may mga bagong halal na ­kaalyado, sinabi ni Hontiveros na maaaring magkaiba pa rin sila ng desisyon at paninindigan sa iba’t ibang isyu.

“Lahat kami ng mga senador dito, we have our own decision-making process, we have our own views. At nagre-respetuhan kami diyan kahit at lalo na sa loob ng tinatawag kong oposisyon,” ani Hontiveros.

RISA HONTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »