Mga circumferential, radial roads na sakop ng NCAP tinukoy ng MMDA
MANILA, Philippines — Bilang gabay sa mga motorista, naglabas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Sabado ng listahan ng mga pangunahing lansangan sa National Capital Region (NCR) kung saan ipapatupad ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) simula sa Lunes, Mayo 26, 2025.
Batay sa MMDA post sa social media, 5 circumferential roads at 10 radials roads ang nasasakop ng NCAP sa Metro Manila.
Sa circumferential roads, kabilang ang C1 Recto; C2 Mendoza; C3 Araneta; C4 Edsa; at C5 C.P. Garcia,Tandang Sora.
Sa radial roads, kabilang ang R1 Roxas Boulevard; R2 Taft Avenue; R3 South Super Highway; R4 Shaw Blvd.; R5 Ortigas Avenue; R6 Magsaysay Blvd, Aurora Blvd.; R7 Commonwealth Avenue; R8 A. Bonifacio; R9 Rizal Avenue; R10 Delpan, Marcos Highway, McArthur Highway.
Ang NCAP ay kamakailan lang inalis ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) na nilinaw ding ‘partially lifted’ kasunod ng urgent motion ng MMDA dahil hindi pa tuluyang nareresolba ang usapin na kinuwestiyon ang legalidad.
- Latest