^

Bansa

Pangulong Marcos: P20 bigas kaya hanggang 2028

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: P20 bigas kaya hanggang 2028
File photo shows different types of rice displayed on shelves.
The STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — “Watch me sustain it”.

Ito ang matapang na pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa pagbebenta ng kanyang administrasyon ng P20 kada kilo ng bigas.

Ayon sa Pangulo, natupad na niya ang pangako noong ­panahon ng eleksyon na makapagbenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo at naiintindihan niya ang sentimyento ng ilan na for optics lamang ang kanyang proyekto.

“We’ll talk in May of 2028, natuloy ba o hindi. We found a way. We found a way to do it. We found a way to do it. We could not do it before. Hindi kaya kasi hindi pa kaya ng sistema. Iba pa ‘yung presyo ng bigas noon,’’ pahayag ng Pangulo.

Dagdag pa ng Presidente, na kaya siya natagalan na tuparin ang campaign promise na P20 kada kilo ng bigas ay dahilan kailangan muna niyang tulungan ang mga magsasaka tulad ng pagbibigay ng mga makinarya.

Matatandaan na ­unang ipinatupad ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa Visayas at susundan naman sa Mindanao sa Hulyo.

Ang mga bigas na binibenta naman sa Kadiwa centers ay subsidiya ng gobyerno sa pamamagitan ng Food Terminal Inc.

BIGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »