^

Bansa

Walang conflict sa pagsali ni De Lima sa House prosecution panel - solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang nakikitang ­anumang ‘conflict of interest’ si House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa planong pagsama ni Mamamayang Liberal (ML) Party­list Rep. elect Leila de Lima sa House prosecution panel na siyang lilitis kay Vice President Sara Duterte sa nalalapit na Senate impeachment trial.

Sinabi ni Adiong na sa katunayan ay isang asset si De Lima sa prosecution team lalo na aniya at marami itong alam sa mga isyu ng ExtraJudicial Killings (EJK).

Inilarawan ni Adiong ang pagsama kay De Lima bilang isang lehitimo, istratehiko, at sumunod sa mga patakaran ng Kamara, bilang tugon sa mga batikos ng ilan kaugnay ng pagiging kritiko nito ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte. 

“Wala naman siyang conflict dahil ang sinasabi naman sa rules, sa ­aming rules, ay ­kailangan miyembro ng House of Representatives. Si ­Congresswoman Leila de Lima naman ay ­magiging member ng House of Representatives sa 20th Congress,” paliwanag ni Adiong.

Itinuro rin ni Adiong na pinapayagan ng House ang pagkuha ng external legal experts upang makatulong sa pagbubuo ng matibay na kaso, na may precedent noong 2012 impeachment trial ng yumaong si dating Chief Justice Renato Corona.

Aniya, ang track record at legal experience ni De Lima ang dahilan kung bakit siya ay kuwalipikado upang tumulong sa pag-uusig kay Duterte.

Inaasahan namang pinal na babalangkasin ng Kamara ang 11-member prosecution team bago magbukas ang 20th Congress sa Hulyo, kung kailan magsisilbing impeachment court ang Senado.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »