P3 milyong marijuana, shabu nasamsam sa Pateros
MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P3-milyong halaga ng marijuana at shabu ang nasamsam sa isang 23-anyos na lalaki, sa buy-bust operation sa Sta. Ana, Pateros, nitong Sabado.
Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pateros Municipal Police Station, ang suspek na si alyas Cristobal, isang high value individual (HVI) ay nadakip dakong alas 9:00 noong Mayo 10, 2025, sa Rosales St., Brgy. Sta. Ana, Pateros.
Nakumpiska mula sa suspek ang 5 na sachet ng pinatuyong marijuana, at 2 kilong shabu na may Standard Drug Price na P3,000,000.
Nahaharap sa reklamong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 ang suspek matapos isailalim sa inquest proceedings sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office.
- Latest