DILG sa LGUs: Ordinansa sa paghihigpit sa tobacco products
MANILA, Philippines — Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units na magpasa ng ordinansa na maghihigpit sa paninigarilyo at pagbebenta ng vape products.
Sa isang memorandum circular, sinabi ng DILG na dapat ay batay sa mga umiiral na batas ang mga lokal na ordinansa ukol sa pagbebenta, paggawa, at distribusyon ng tobacco at vape products.
Sa utos din ng DILG, pinaghihigpit ang mga LGU sa pagpapatupad ng Republic Act (RA) 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003, RA 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, RA 10643 o Graphic Health Warning Law, pati na rin ang RA 11467 at RA 10351.
Hinimok din ang LGUs na magpatupad ng mga patakaran ukol sa smoke-free environments, pagtatakda ng mga designated smoking areas, at tamang pagpapaskil ng graphic health warnings.
Maging ang pagbabawal sa paggamit ng vaporized at non-nicotine products sa mga indoor public areas ay ipinaalala ng DILG sa mga LGU.
- Latest