^

Metro

Paslit lunod sa balde ng tubig

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 2-anyos na batang lalaki ang natagpuang patay  habang nakalublob ang ulo sa balde ng tubig kamakalawa ng gabi sa Quezon City. 

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District - Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nadiskubre ang bangkay ng biktima bandang alas-6 ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Litex Market Compound, Barangay Commonwealth, Quezon City.

Bago ito, sinabi ng lola ng biktima na nakita pa niyang naglalaro ang huli bandang ala-5 ng hapon nitong Hunyo 9, Alas-6 ng gabi ng magising siya at hinanap ang apo.

Laking gulat na lamang niya nang makitang nalunod na sa balde ang biktima.

Dinala pa sa Rosario Maclang Hospital ang biktima subalit idineklara ring dead-on-arrival.

Nagsumite naman ng waiver ang magulang ng biktima.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »