^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Lesson sa mga kandidato na wala sa lugar magbiro

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Lesson sa mga kandidato na wala sa lugar magbiro

DINISQUALIFY ng Commission on Election (Comelec) noong Huwebes si Pasig congressional candidate Christian “Ian” Sia dahil sa pagbibiro na may kaugnayan sa single mother at sa body shaming sa kanyang office staff. Ginawa ni Sia ang pagbibiro sa kanyang campaign rally noong naka­raang buwan.

Sinabi ng Comelec Task Force Safe, na sa kabila nang pagkaka-disqualify kay Sia, mananatili pa rin sa balota ang pangalan nito. Kung mananalo umano ito sa gaganaping election sa May 12, sususpendihin nila ang proklamasyon nito.

Ang nangyari kay Sia ay maging aral sana sa iba pang kandidato na ang pagbibiro ay lumalampas na sa hangganan. Hindi na iniisip ang pagbibiro at basta kung ano na lang ang masabi sa harap ng mga tao. Magandang gawing halimbawa ng iba pang nagnanais tumakbo sa public office ang nangyari kay Sia. Dapat nasa lugar ang pagbibiro.

Pero kung nagawa ng Comelec na i-disqualify si Sia, dapat ganito rin ang gawin sa iba pang sinampahan ng disqualification case. Dapat maging parehas ang Comelec sa pagpapataw ng disqualification. Pa­tawan din ang iba pang sumobra sa pagbibiro.

Gaya ng pagbibiro ni Editha “Wowee” Manguera na tumatakbong mayor sa Pasay City. Ayon sa Comelec­, sinabi ni Manguera sa campaign rally nito na “Tang­galin na natin ang Bumbay para wala nang amoy sibuyas na naiiwan sa Pasay Gen.” Maraming nagtawanan sa sinabi ni Manguera. Ang tinutukoy ni Manguera ay ang mga dayuhang estudyante na nag-aaral at nag-i-intern sa Pasay City General Hospital.

Ayon sa Comelec, nilabag ni Manguera ang Comelec Resolution No. 11116 (Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines). Inisyuhan siya ng show cause order.

Isa pang nahaharap sa disqualification case at inis­yuhan din ng Comelec ng show cause order ay si Davao de Oro Rep. Ruwel Peter Gonzaga dahil sa sexual remarks nito sa tatlong magkakahiwalay na events. Ayon sa Comelec, sinabi ni Gonzaga, “May mga gawain ang mga lalaki na tinatanong niya na kaya rin bang gawin ng mga babae? Kaya? Mas matindi nga siguro ang mga babae sa mga lalaki. Ang mga lalaki magaling kayong umiyot. Kayo bang mga babae magaling ba kayong umiyot? O mas magaling pa kayo sa mga lalaki? Yan ang mga tanong na dapat ninyong sagutin, bakit? Sasabihin niyo agad kaming mga babae, equal kami sa mga lalake. Pero hindi na yan totoo ngayon. Hindi na talaga. Kasi karamihan sa mga babae, pini­pili na lang kung saan sila. Sa ilalim ba o sa ibabaw?”

Malaking lesson sa mga kandidato ang nangyaring disqualification sa Pasig candidate at hindi na sana ito maulit. Kayo ang maghuhulog sa mismong hukay.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »