^

PSN Opinyon

Estudyante, sinalubong ng ‘pole dancers’ sa gate ng school bilang regalo sa graduation!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG junior high school graduation sa Taichung, Taiwan ang nauwi sa kontrobersiya matapos magpasayaw ng dala­wang pole dancer ang isang magulang bilang “regalo” sa pagtatapos ng anak.

Ayon sa ulat, nang matapos ang graduation ceremony ng Taichung Municipal Wanhe Junior High School, ikinagulat ng mga lumalabas na ­estudyante, magulang, at guro ang isang dance performance ng dalawang seksing babae na nagpo-pole dancing.

Ang performance ay ginanap sa ibabaw ng dalawang SUV na may mga nakatayong pole. Sinabayan pa ito nang malakas na music, dahilan upang magkaroon ng komosyon sa labas ng eskuwelahan.

Sa panayam sa ina ng estudyante, inamin niyang siya mismo ang nagplano at nag-choreograph ng pagtatanghal, katuwang ang isang kaibigan na sumuporta sa pagbabayad sa pole dancers.

“Gusto ko lang na maging kakaiba ang graduation gift ng anak ko. Lahat ng magulang may kanya-kanyang handog, kaya naisip kong maging malikhain,” paliwanag ng ina.

Ayon naman sa mismong estudyante, nagulat siya at natahimik nang makita ang inihandang sorpresa ng ina. “Dahil alam ko ang intensiyon ng aking mga magulang, hinayaan ko na lang,” anang binatilyo.

Hindi naman natuwa ang karamihan sa mga nakasaksi, kabilang na ang ilang magulang at opisyal ng paaralan. “Hindi ito angkop na gawin sa harap ng mga menor-de-edad,” ayon sa isang magulang.

Nagpahayag din ang isang school official na hindi nila sinusuportahan ang ganitong uri ng selebrasyon at nagpaalala sa mga magulang na piliin ang mas makabuluhang paraan ng pagdiriwang.

Agad namang ru­mesponde ang lokal na pulisya matapos makara­ting ang reklamo tungkol sa “public disturbance”. Nang dumating sila sa lugar, tapos na ang palabas ngunit kinailangan nilang paalisin ang natipong mga tao.

Dahil sa insidenteng ito, naging usap-usapan sa social media ang isyu ng appropriate na selebrasyon para sa mga kabataan at ang responsibilidad ng mga magulang sa ganitong okasyon.

Patuloy namang nananawagan ang mga guro at awtoridad na unahin ang kaligtasan at kaayusan sa bawat pagdiriwang na may involved na kabataan.

STORY

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »