^

Probinsiya

Call center agent patay sa hit and run

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 27-anyos na call center agent matapos itong mabiktima ng hit-and-run nang mabangga ng isang humahagibis na pickup truck sa highway ng Brgy. Singcang-Airport, Bacolod City, kamakalawa

Sa report ng Traffic Enforcement Unit (TEU) ng Bacolod City Police, kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong Tricia Anne, residente ng Brgy. Pahanoy ng lungsod.

Base sa imbestigasyon, ang biktima ay angkas sa motorsiklo ng live-in partner nitong si McKevin papasok sa trabaho nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at bunga nito ay nawalan ng kontrol sa manibela ang nasabing lalaki.

Dahil dito ay sumemplang ang motorsiklo sa tabi ng highway kung saan humagis sa kabilang linya ng kalsada ang biktima .

Kasalukuyan namang paparating ang pickup truck at nasagasaan ang nasabing biktima na dead on the spot sa insidente .

Nagtamo naman ng mga gasgas at sugat sa katawan ang live-in partner nito sa pag-semplang ng motorsiklo.

Nabigo namang makuha ang plaka ng pickup truck dahilan sa madilim ang paligid dahilan sa malakas na ulan.

HIT AND RUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »