^

PSN Showbiz

Owk nina Dingdong at Charo pang-may-edad, ‘di umepek sa mga bata

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

May mga bagong pelikulang nag-showing nung Miyerkules, at sa local films ay ang Flower Girl ni Sue Ramirez.

Wala pa kaming balita kung kumusta ito sa takilya, pero ramdam pa ring mahina ang mga lokal na pelikula sa mga sinehan.

Ang inaasahan naming malakas na makakabawi-bawi ay itong Only We Know na nag-showing noong June 11. Pero hindi ito gaanong pumalo sa takilya.

Sa tingin namin pang-matured audience kasi talaga, kaya hindi umepek sa mga kabataan.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, ang target daw ng Star Cinema ay maka-P80M ito sa buong regular run. Pero mukhang hindi kakayanin.

Sa loob ng isang linggo ay halos naka-P20M ito kasama na riyan ang block screenings.

Ang dami kasing naka-schedule noon na block screenings na dinaluhan pa nina Dingdong Dantes at Charo Santos ang ilan.

Pero pinuri ang dalawang bida sa pelikulang ito, lalo na si Dingdong na magaling naman talaga rito. Maayos din ang pagkadirek ni Irene Villamor at paglahad ng kuwento, kaya akala namin ay magkaroon ng word of mouth.

Kaya after nitong Only We Know, wala pa tayong inaasahang papatok na pelikula natin.

Tingnan natin kagaya nitong Unconditional nina Rhian Ramos at Allen Dizon na magso-showing na sa June 25.

River, pinag-iinteresan na

Bentang-benta na si River Joseph sa Sports BL series na Love at First Spike, na pinagbidahan ni Emilio Daez.

Supporting role lang dito si River, pero ngayong kilalang-kilala na siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab, nagagamit na siya sa promo nito ngayon.

Nagkasama sina Emilio at River sa Bahay ni Kuya, kaya mas maganda sana kung magkasama sila sa promo nito.

Pero nasa loob pa ng PBB house si River, kaya napapag-usapan lang siya nang makapanayam si Emilio sa media conference nito.

Hindi lang idinetalye ni Emilio nung nagkita sila uli sa Bahay Ni Kuya.

Nagiging challenger doon si Emilio kasama ang ka-duo niyang si Michael Sager.

Bukod dito sa Love at First Spike ay inaabangan na rin si River sa Star Magic Olympics.

Kung dati ay one of those lang sila, ngayon ay isa na sila sa maghahakot ng napakaraming fans. Makikita natin ‘yan paglabas nila ng Bahay Ni Kuya.

Head writer ng Sang’gre, nakikipagbardagulan

Buhay na buhay ang loyal followers ng Encantadia, ‘yung talagang sumusubaybay mula sa unang Encantadia, hanggang Etheria, ‘yung sumunod na Encantadia at itong latest na Sang’gre.

Nagandahan ang halos lahat sa pilot episode nito na nagsimula noong Lunes, June 16. Kaya naman ang taas ng rating nito.

Pero hindi nito na-maintain at bumawi agad ang teleserye ni Coco Martin hanggang kahapon.

Natatalo ito ng Batang Quiapo sa aggregated ratings dahil tatlong channel naman ito napapanood—sa TV5, A2Z at Kapamilya channel.

Ang Sang’gre naman ay sa GMA 7 at sa GTV lamang.

Ang daming nag-react at nagbigay ng kanilang opinyon sa bagong fantasy series na ito ng GMA 7.

Nakakatuwa dahil sobra silang involved at kabisado nila ang lahat na characters.

May ilang nagtataka sa ilang karakter na tila hindi nila nakokonek sa ilang characters sa unang series. Hinahanap pa nila ang ibang main characters, kagaya nina Aquil at Gaeia. Parang ginawang sacrificial lambs daw sila.

Hindi ko kabisado ang lahat na tauhan sa sikat na fantasy series na ito, pero ang karamihang netizens ay talagang alam na alam nilang lahat.

Kaya may karapatang silang magkuwestiyon at mabigay ng kanilang opinyon. Pero minasama pa ito ng head writer na si Suzette Doctolero. Meron pa siyang minurang netizens dahil sa kanilang komento sa X.

Sa totoo lang, compliment nga ‘yun dahil nakikita kung paano nila sinusubaybayan ang Encantadia, at kung gaano sila ka-concerned sa Sang’gre.

Ang latest ay panalo pa rin sa aggregated ratings ang Batang Quiapo noong Huwebes na naka-11.8 ang Sang’gre at 13.9 percent naman ang Batang Quiapo.

CHARO

DINGDONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »