^

True Confessions

Hiyasmin (302)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI na kita aanyayahan sa bahay namin sa Virginia, Hiyasmin dahil one hour din ang flight mula rito sa New York. Isa pa, isasama ko naman sila pagtungo ko sa Manila next year. Dun na lang kayo magkita ng husband ko at mga pinsan mo, okey?” sabi ni Mary Underwood.

“Opo Tita. Miss ko na ring makita ang mga pinsan ko.”

“Sila man ay matutuwa at masisiyahan na makita ka, Hiyasmin.”

“Hihintayin ko kayo Tita.”

“Mag-communicate tayo online.”

“Araw-araw imi-message kita Tita, ha-ha!”

“Sige. Marami tayong pagkukuwentuhan.”

Nagpaalam na si Mary kay Hiyasmin.

Hinabol pa ng tingin ni Hiyasmin ang tiyahin.

Pagkatapos ay masaya siyang nagtungo sa kanyang suite at nakipag-video call kay Dax.

Hindi makapaniwala si Dax sa mga ikinuwento ni Hiyasmin.

“Na-meet mo ang iyong auntie, Love?”

“Oo Love. Mahirap paniwalaan, pero yun ang nangyari. Ang kapatid ng aking ama ay nakaharap ko at matagal kaming nagkuwentuhan. Masayang-masaya ako.”

“Anong itsura niya, Love?”

“Ipadadala ko ang mga photo namin later. Magkukuwento muna ako ng aming pinag-usapan.”

“Sige makikinig ako Love.”

Nagkuwento na si Hiyasmin.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »