Tough pathway
Dahil senglot pa galing sa Governors’ Cup championship, naghintay ang TNT ng ikatlong laro bago nahugot ang unang panalo sa nakaraang Commissioner’s Cup.
At pagkatapos nang panalo, nanalasa ng six straight wins, tumapos ng 8-4 sa elims at dumeretso para kuhain ang Commissioner’s Cup crown.
Kaparehong modelo ang puntirya ngayon ng Tropang 5G. At unang target ang ihinto ang kanilang salengkwang sa kanilang pakikipagharap sa Phoenix Super LPG Fuel Masters sa unang pagbisita ng PBA sa Ynares Center Montalban sa araw na ito.
Realistiko naman si coach Chot Reyes na wala silang kakaharapin na madaling laban sa PBA Season 49 Philippine Cup.
Unang-una, patuloy ang kanilang adjustment sa absence ni resident champion import Rondae Hollis-Jefferson. Ikalawa ang patuloy rin na confinement ni Jayson Castro sa upuan. At higit sa lahat, ang kanilang pagiging target ng lahat habang habol ang Grand Slam. Pero siguradong hindi hihinto ang tropa ni coach Chot na sumubok mahugot ang final jewel na kukumpleto ng Triple Crown.
Matagal-tagal na nang huling makita ang Grand Slam feat sa liga. Kinopo ito ni coach Tim Cone at ang James Yap-led San Mig Coffee team noong 2013.
Hinog na kaya ang paghihintay?
Maaga pa para sabihin. Pero nariyan ang San Miguel Beer, Barangay Ginebra, Magnolia at maaari rin ang Converge na mga mabigat na pagdadaanan ng TNT Tropang 5G.
- Latest