Bangon Arvin!
Dahil sa right hip flexor injury, pasulput-sulpot ngayon ang laro ni NorthPort main man Arvin Tolentino.
Dalawang laro na ang na-miss ni Tolentino, at sadsad na sila sa tatlong sunod na talo papasok sa kanilang laban ngayong gabi kontra Meralco Bolts.
Kung hindi makaka-recover at hindi matutulungan ang Batang Pier na isalba ang PBA Season 49 Philippine Cup, maglalahong parang bula ang tsansa ni Tolentino para sa season MVP award.
Automatic MVP candidate siya dahil sa paghugot ng Commissioner’s Cup Best Player of the Conference award.
Pero kailangan niyang magpakita sa Philippine Cup para tumimbang sa karera.
Si June Mar Fajardo ang kumuha ng Governors’ Cup BPC plum,at nagsisimula nang rumatsada muli sa All-Filipino tourney.
Sina Robert Bolick ng NLEX, Justine Baltazar at Alec Stockton ng Converge at Xavi Lucero ng Magnolia ang ilan sa maaga ring namuhunan sa BPC race.
Pero siyempre, sa playoffs magkakaalaman.
Kung sino ang aabot sa Final Four ang siyang maglalaban-laban sa bandang huli.
Nakakapanghinayang lang kung mawawala sa karera si Tolentino dahil sa injury. Lost by default.
- Latest