Letran, Arellano pareho ang pakay
MANILA, Philippines — Pareho ang pakay ng Letran at Arellano University na masilo ang panalo para mapalakas ang tsansang pumalo ng bola sa Final Four ng NCAA Season 100 women’s volleyball tournament sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.
Pero isa lang ang mananalo dahil magtatapat ang Letran at Arellano ngayong alas-2:30 ng hapon at magbabanatan sa unang laro ang University of Perpetual Help System DALTA at San Sebastian College-Recoletos sa alas-12 ng tanghali.
Nasa tuktok ng team standings ang Lady Knights tangan ang 12-2 karta kasunod ang defending champion St. Benilde Lady Blazers na may 11-2 baraha, habang magkasalo sa No. 3 ang Mapua Lady Cardnals at Lady Chiefs tangan ang parehong 9-5 record.
Bukod sa panalo ay nais din ng Letran na masungkit ang ‘twice-to-beat’ advantage na ibibigay sa top two teams pagkatapos ng double round robin.
- Latest