OWWA exec, na sangkot sa P1.4 biltong land deal tinanggal sa puwesto
MANILA, Philippines — Tinanggal na rin sa posisyon ang isa pang opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na si Deputy Administrator Emma Sinclair kaugnay pa rin ng pagkakasangkot sa umano’y hindi otorisadong P1.4 billion land deal transaction.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na ang pagkakasibak sa puwesto ni Sinclair ay may kaugnayan sa una ng pagpapatalsik kay dating OWWA Administrator Arnell Ignacio, dahil sa maanomalyang pagbili ng lupa na gagamitin sa pagpapatayo ng accommodation area ng overseas Filipino workers (OFWs).
Anggulo ng sabwatan ang rason ng pagkakatanggal sa dalawang OWWA officials.
Sabi ni Castro,loss of trust ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa dalawang dating namumuno sa nabanggit na ahensiya.
Matatandaan na sinibak nitong nakalipas na linggo si Ignacio matapos na mabuking ang P1.4 bilyon land purchase deal para sa tatayuan ng dormitory type accomodation para sa OFWs workers na matatagpuan malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Si Ignacio ay pinalitan ni OWWA administrator Patricia Yvonne Caunan.
- Latest