^

Probinsiya

Angeles City mayor, 33 kapitan solid ang suporta kay Abalos

Pilipino Star Ngayon
Angeles City mayor, 33 kapitan solid ang suporta kay Abalos
Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos on February 14, 2024.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Malakas ang naging suporta kay dating Secretary at kandidatong senador na si Atty. Benhur Abalos Jr., matapos ipahayag ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. at ng lahat ng 33 kapitan ng barangay ng lungsod ang kanilang pagsuporta. Opisyal na inanunsyo ang endorsement sa isang pagtitipon sa Angeles City Hall, kung saan ipinahayag ni Mayor Lazatin ang kanyang buong suporta sa senatorial campaign ni Abalos.

Maging ang lahat ng 33 kapitan ng barangay ng lungsod ay nagdeklara rin ng kanilang pagsuporta sa kandidatura ni Abalos. Bilang tugon, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Abalos kay Mayor Lazatin at sa mga kapitan ng barangay, at nangakong susuklian ang kanilang tiwala sa pamamagitan ng tapat at epektibong paglilingkod sakaling mahalal siya sa Senado.

Bilang dating kalihim ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG), pinamunuan ni Abalos ang lahat ng local government units sa buong bansa.

Sa kanyang panunungkulan, naitala ng PNP record-high na P33.8 bilyong halaga ng iligal na droga, na pinakamataas na nakumpiska sa unang dalawang taon ng administrasyon ni Marcos.

Pinangunahan din ni Abalos ang mga inisyatibang naglalayong rehabilitahin ang mga persons deprived of liberty (PDLs) sa pamamagitan ng skills training programs katuwang ang Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP), Department of Labor and Employment (DOLE), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Siya rin ang nanguna sa pagkakahuli ng mga kilalang perso­nalidad gaya nina Apollo Quiboloy, Alice Guo, at child trafficker na si Teddy Jay Mejia.

Bukod pa rito, pinangunahan niya ang matagumpay na pagsasanib ng 396 da­ting MILF combatant at MNLF bilang mga opis­yal na miyembro ng PNP, isang hakbang tungo sa pangmatagalang kapayapaan at pagkakaisa ng bansa.

BENHUR ABALOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »