^

Probinsiya

Pumalag sa search warrant, lalaki todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CLAVERIA, Masbate, Philippines — Bulagta ang isang lalaki na sisilbihan sana ng search warrant sa kanyang bahay matapos umanong pumalag at makipagbarilan sa mga pulis sa Purok-3, Brgy. Mabiton, Claveria, Masbate kamakalawa ng umaga.

Naisugod pa sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival ang ­suspek na kinilala lamang sa pangalang ­Michael, residente ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-6 ng umaga bitbit ang search warrant na inilabas ng korte ay sinalakay ng mga tauhan ng Claveria Municipal Police Station at Masbate Police Provincial Office ang bahay ni Michael dahil sa impormasyong pagtatago nito ng baril. Gayunman, pumalag ang suspek dahilan para magkaroon ng barilan at duguang tumimbuwang ang target.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang suspek pero hindi na umabot nang buhay. Nabawi sa posisyon mismo ng suspek ang .357 Magnum at mga bala.  Sa paghahalughog pa sa bahay nito, nakuha ng mga pulis ang mga magazine at bala para sa kalibre 45 at M16 rifle.

BULAGTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »