^

Probinsiya

2 ‘tulak’ timbog sa Batangas

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 ‘tulak’ timbog sa Batangas
Halos minuto lamang ang pagitan ng isinagawang magkasunod na operasyon ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Batangas Provincial Police Office (PPO) kung saan unang naaresto ang suspek na si alyas “Ricardo”, ng Brgy. Tinga Labak, Batangas City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAVITE, Philippines — Arestado ang dalawang kalalakihan na kapwa nasa high value individual list at kilalang mga drug pusher at dealer ng droga sa magkasunod na buy-bust operation ng pulisya sa Batangas, kamakalawa ng gabi.

Halos minuto lamang ang pagitan ng isinagawang magkasunod na operasyon ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Batangas Provincial Police Office (PPO) kung saan unang naaresto ang suspek na si alyas “Ricardo”, ng Brgy. Tinga Labak, Batangas City.

Nabatid na dakong alas-9:24 ng gabi nang ilatag ng mga operatiba ng Batangas City-DEU at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust laban sa suspek at nakuhanan ng mahigit sa 123 gramo ng shabu na aabot sa halagang P836,400. 

Samantala dakong alas-9:25 ng gabi, inilatag din ng Office of the Provincial Diretcor (OPD)-DEU at Batangas Police ang buy-bust sa  Brgy. Dumuclay, Batangas City kung saan naaresto ang suspek na si alyas “Rodjane”, nasa hustong gulang.

Nakumpiska sa suspek ang may mahigit sa 120 gramo ng shabu na aabot sa halagang P816,000.

Narekober din sa mga suspek ang mga drug paraphernalias, cellphone na gamit sa transaksyon at mga drug money.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »