^

Probinsiya

94K katao dumaan sa mga pantalan ng Bicol nitong election period

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umabot ng 94,000 katao ang naitala ng Philippine Coast Guard-District Bicol na dumaan sa iba’t-ibang pantalan sa Kabikulan nitong nakalipas na election period.

Ayon kay PCG-District Bicol comman­der Commodore Ivan Roldan, base sa datos ng kanilang opisina si­mula noong Mayo 9 hanggang 13 ay nasa 57,067 katao ang naitalang dumaan sa iba’t-ibang pantalan na palabas ng rehiyon o outbound habang 36,937 naman ang pumasok o inbound.

Dahil sa ipinakalat na 549 bilang ng Coast Guard na nagbantay at nag-inspeksyon sa iba’t-ibang seaports at baybayin ay naging ligtas at tahimik ang paglalayag ng 304 roro vessels, 68 cargo vessel, at 114 mga motorbancas.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »