^

Probinsiya

P23 milyong droga sa food delivery boxes samsam

Ludy Bermudo, John Unson - Pilipino Star Ngayon
P23 milyong droga sa food delivery boxes samsam
Masusing inimbentaryo ng NBI agents ang mga nasamsam na ebidensya sa isang sinalakay na bahay na ginawang repacking at distribution hub ng shabu at marijuana nitong Linggo ng madaling-araw sa Davao City.
Photo: NBI-11

Repacking hub sa Davao ni-raid ng NBI

MANILA, Philippines — Tinatayang P23-milyong halaga ng shabu at imported marijuana o kush ang nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Southeastern Mindanao Regional Office (NBI-SEMRO) sa isang ni-raid na repacking at distribution hub, sa Davao City, madaling araw nitong Linggo.

Sa ulat kay NBI Director Judge Jaime Santiago, nagsagawa ng anti-drug operation ang NBI-SEMRO XI, sa pamumuno ni Regional Director Atty. Arcelito Albao, alas-5:00 ng mada­ling araw nitong Hunyo 8, 2025, sa isang residential unit sa Emily Homes, Cabantian, Davao City kung saan inire-repack ang mga iligal na droga matapos matanggap ang impormasyon.

Nasamsam ang 4.885 kilo ng kush na may street value na P5.86 milyon; 1.575 kilo ng shabu na katumbas ng P17.325 ­milyon; food delivery ­boxes ng Foodpanda at Maxim, heat sealer at gamit sa repacking; imported cannabis-based products na kinabibila­ngan ng mga Boutiq Switch V3 HCT concentrates, Kaws Exotic and Cereal Edition packages, mga Packwoods X Runtz vape pens, Bored Hash Headibles, Big Chief Guava live resin at Sluggers Hit Disposables.

Ang iligal na operasyon umano ay isinasagawa sa pamamagitan ng food delivery upang ikubli ang mga iligal na droga.

Ayon sa mga residente ng Emily Homes, ang nakatira sa naturang bahay na pansamantalang hindi muna kinilala, ay nagpanggap na isang negosyanteng may lehitimong food supply at delivery business.

Wala ang mga ­gumagamit ng bahay na nagsisilbing imbakan ng shabu at marijuana nang salakayin ito ng mga NBI agents, ayon sa mga kinauukulan. 

Nakipag-ugnayan ang NBI sa Philippine drug Enforcement Agency (PDEA) Region XI at may presensya ng barangay officials sa lugar nang isinagawa ang operasyon.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »