^

Punto Mo

Pusa na may gold tooth na nagkakahalaga ng $5,000, naging internet sensation

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pusa na may gintong ngipin ang nagpakilig at nagpatawa sa milyun-milyong netizens matapos mag-viral sa TikTok ang kanyang kakaibang dental accessory.

Ang pusa na si Tofu, alaga ni Clarrisse Bosman, 22, ay sumikat matapos maputol ang isa nitong pangil at mapalitan nang totoong ginto. Ayon sa video na in-upload sa TikTok account na @tofus_owner, si Tofu ay nagkaroon ng dental emergency noong December 2024 matapos nguyain ang laruan na gawa sa balsa wood, dahilan para mabasag ang ngipin at ma-expose ang ugat nito.

Dinala siya sa isang veterinary dental specialist na nagbigay ng dalawang option: bunutin ang ngipin o isalba ito sa pamamagitan ng root canal at paglalagay ng hypoallergenic gold crown. Pinili ni Bosman ang ikalawa kung saan gagastos siya ng $5,000. Umabot ito sa ganito kala­king halaga, dahil gold ang ngipin at magastos ang procedure tulad ng anesthesia, X-ray, blood tests, at pain medication.

Si Tofu ay dating pusang gala na inampon mula sa Foothills Animal Shelter. Siya ay kilala sa kanyang likas na kapilyahan. Dahil dito, naging laman siya ng social media kung saan umani ang kanyang video ng mahigit 10.9 milyon views at 1.8 milyon likes. Maraming netizens ang natuwa at humanga sa malasakit ni Bosman sa kanyang alaga, habang ang ilan, tinawag itong halimbawa ng “luxury pet care.”

GOLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »