^

Punto Mo

2-anyos na bata sa U.K., tinanghal na pinakabatang member ng Mensa!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 2-year old na batang lalaki sa United Kingdom ang opisyal na kinilala bilang pinakabatang miyembro ng Mensa, ang prestihiyosong samahan para sa mga taong may mataas na IQ.

Si Joseph Harris-Birtill ay pormal na tinanggap sa organisasyon matapos mapatunayan na pasok siya sa top 2 percent ng populasyon na may mataas na IQ.

Ayon sa kanyang mga magulang na sina Dr. Rose at Dr. David Harris-Birtill, kapansin-pansin na ang katali­nuhan ni Joseph simula pa pagkasilang.

Sa edad na pitong buwan, nakapagbigkas na si Joseph ng kanyang unang salita, at bago pa man tumuntong ng dalawang taon, nakabasa na siya ng isang buong aklat.

Bukod sa pagbabasa, marunong na rin siyang magbilang sa limang wika, kabisado ang Greek alphabet, at kasalukuyang interesado sa Morse code at periodic table. Ayon pa sa kanyang ina, “Si Joseph ay masayahin, mapagbigay, at laging sabik matuto. Mahilig siya sa musika, pagluluto at paglalaro ng chess.”

Dahil sa kahanga-hangang abilidad ng anak, lumapit sina Rose at David sa Mensa upang humanap ng komunidad na makakatulong sa paghubog ng kakaibang talino ni Joseph.

Umaasa rin silang sa paglaki nito ay makikita niya ang pagiging bahagi ng Mensa bilang isang karangalang pinaghirapan niya.

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »